hi im new here.. wala naman kasi ko maituturing na best friend na pwede ko pagsabihan so gumawa ako ng blog di naman ako masyado malulungkutin pero masasabi ko mdami ako hinanakit sa buhay sa pag-ibig, sa trabaho at sa pamilya..lumaki ako na masayahin pero dreamer ako ung situation na gusto mangyari minsan nagsstop ang oras para sa kin tas iniisip ko un.. naiisip ko nga nababaliw na ko..nagdalaga nako at malapit na mag asawa ganun pa din ako dreamer.. pero sabi nila responsable akong anak.. mabait na kapaitd, masipag.. pero may kulang kasi dun di nila nasabi na maganda ako.. hehehe.. siguro nga hinde kasi 18 ako ng unang magkaboyfriend pero niloko lang ako..nasubukan ko makipagtxtmate pero after eyeball di nako tinitxt.. di naman ako sexy di ako ung tao na titignan or may second look kasi chubby ako..maitim pa.. di naman ako nakatapos ng pagaaral college lang 2nd year pero nakahanap naman ako ng work talaga at dun ako nagkaroon ng reality kasi nabuhay ako magisa kailangan ko magtrabaho para sa pamilya ko para suportahan sila hangang ngaun naman di nagbabago..akala ko madali lang pero ung lungkot ng buhay ko lalo pang lumumgkot bahay trabaho lang pag gigimik nakabudget pa dapat... kailangan ko mangutang kasi ubos na allowance ko buti walking distance work ko.. pagkain ko inuutang ko sa kahera mga shampoo, sabon, toothpaste sachet lang kaya ko bilin budget din un hangang sweldo.. 400 pesos fro 15 days.. may cp naman ako nun un lang mdalang magkaload kaya di ako nagkaroon ng txtmate buti may chat at friendster na nun kaya may communictaion pa din sa classmate sa mga kaibigan not so close kaya ok lang na di ganun kadalas makipagchikahan.. until na magkaroon ako ng work na malaki laki ang sweldo medyo nag upgrade ung level ko di na sachet na shampoo.. bottle na at di nako nangungutang ng food at ng allowance nakapagpatayo kami ng bahay na maayos.. ok na sana masaya pero iba pa din pag inlove mas masaya!!! un nga nagkaroon ako ng fafa 4 years na kami pero di mawawala ung away bati... malapit na rin kami ikasal.. masakit lang sa dibdib kasi ung mga problem ko sa kanya wala ako mapagsabihan kasi gusto isipin ng mga kaibigan ko pamilya ko na perfect sya for me which is para sakin perfect na talaga sya sobrang bait very supportive pero may times na mas masakit pala sa sobrang supportive nya parang wala na sya ng pakialam sau ung kailangan ko pa magdrama para mapansin.. un kaya ako ngblog kasi pag usapan pag ibig mas masakit kaysa sa problemang pamilya..